Friday, December 26, 2008

हैप्पी holiday




Pasko ipinag diriwang natin isang beses isang taon, papaano ba natin ipinagdiriwang ang pasko? Diba kapag pasko naglalagay tayo ng dekorasyun, mga Christmas light, at naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain, nagbabalot tayo ng mga regalo, kapag malapit na ang pasko diyan din natin isinasagawa ang simbang gabi ganyan natin ipinagdiriwang ang pasko. ANO NGA BA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG PASKO? Marami ang nagsasabi na ang kahulugan ng pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran, pagkakaisa. Para sa akin ang pasko ay isang simbolo lang at pag respeto sa kapanganakan ni jesus. Para sa akin kailangan gawin natin ang pasko araw araw. Sasabihin pasko kaya magmahalan tayo, pasko kaya magbigayan tayo, magpatawaran tayo pasko kasi eh. Pasko lang ba natin pwedeng gawin ang ganyang mga bagay? Diba dapat bilang tao kahit hindi pasko dapat magmahalan tayo, mag kaisa, magbigayan, mag tulungan tayo , kahit hindi pasko gawin nating malinis ang ating puso. hindi yung gagawin lang natin yan kapag pasko.
For i do believed that the true meaning of christmas is "LOVE" as what the famous song lyrics "for god so love the world he gave his only son", for today in order gain peace all we need is LOVE.







No comments:

Post a Comment